^

PSN Palaro

Pinas naka-isa sa Korea

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi hinayaan nina Ce­cil Mamiit at Treat Conrad Huey na agarang mapatalsik ang Pilipinas sa Asia Oceania Zone Davis Cup Group I Relegation tie nang kunin ang 6-3, 6-4, 6-4, panalo laban kina Kim Hyun-joon at Seol Jae-min sa doubles competition kahapon sa Chanwon Municipal Tennis Center, Chanwon, Korea.

Isinantabi ni Mamiit ang pananakit ng kanang kamay upang mahusay na nakipagtambal kay Huey tungo sa panalo sa larong umabot sa loob ng dalawang oras.

Dahil dito, natapyasan ng Pilipinas ang kalama­ngan ng host Korea sa 2-1 sa best of five tie na magdedetermina kung sino sa dalawang bansa ang mananatili sa Group I sa 2011.

Nakaramdam ng ginhawa si Mamiit kahapon ng umaga upang magde­sisyon na maglalaro sa doubles.

Nauna rito ay nagkaroon ng pananakit ang kanyang kanang kamay dahilan upang maisuko ang 0-6, 1-6, 6-3, 6-0, 6-2 kabiguan kay Jeong Suk-young.

Bago ito ay nanalo muna si Huey kay Korean top player Lim Yong-kyu, 7-6(8), 2-6, 6-7(7), 6-7(4).

Magtatapos ang ak­syon ngayon sa pagdaraos ng reversed singles at si Mamiit ay magtatangkang maitabla ang iskor sa pag­harap kay Lim.

Kung maipapanalo, magsisilbing deciding ga­me ang tagisan nina Huey at Jeong.

“We have seen how they play and we now know both the reverse singles are winnable,” wika ni Davis Cup team manager Jean Henri Lhuillier.

ASIA OCEANIA ZONE DAVIS CUP GROUP I RELEGATION

CHANWON MUNICIPAL TENNIS CENTER

DAVIS CUP

GROUP I

HUEY

JEAN HENRI LHUILLIER

JEONG

KIM HYUN

LIM YONG

MAMIIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with