Paghiram ng SBP ng players tatalakayin sa PBA Board meeting

MANILA, Philippines - Ang kahilingan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mahiram sina Asi Taulava, Kelly Williams at James Yap para sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre.

Ito ang pangunahing tatalakayin ng PBA Board of Governors sa kanilang idaraos na planning session simula ngayon sa Bangkok Thailand.

“The Smart Gilas program is a young and promising program. So in whatever way the PBA can assist, we shall not hesitate,” ani PBA commissioner Chito Salud.

Subalit hindi naman nangako si Salud na agad na papayag ang PBA Board na ipahiram sina Taulava, Williams at Yap.

“Regardless of the decision of Board on whether or not to loan the three stars, the PBA must arrive at a long term operational arrangement with the SBP that specifically defines the PBA’s role in aiding SBP’s international basketball program,” wika ni Salud.

Ang pulong ay pamumunuan ni B-Meg Derby Ace representative Rene Pardo, opisyal na papalit kay Lito Alvarez ng Air 21, kasama sina Atty. Mamerto Mondragon (vice chairman) ng Rain or Shine at JB Baylon (treasurer) ng Powerade.

Ilalatag rin ni Salud sa PBA Board ang kanyang proposed playing rules.

“The PBA office has already discussed these rules with members of the team’s coaching staff and PBA media partners,” ani Salud, pumalit kay Sonny Barrios. “We believe the simplified version of the rules will prevent confusion and errors.”

Sa pag-apruba ng PBA Board sa pagbabalik ng three-conference format, ang height limit na lamang ng mga imports sa second at third conference ang ipapanalisa.

Pag-uusapan rin sa naturang pulong ang pagkakaroon ng PBA ng isang developmental league kagaya ng sa NBA.

“The Governors are looking deeply into it. They are monitoring the progress of the PBL-Liga merger and are aware of the uncertainties,” dagdag ni Salud.  

Show comments