Bedans sumeguro ng playoff sa twice-to-beat

MANILA, Philippines - Kasabay ng pag-angkin nila sa isang playoff para sa ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four, sinibak rin ng Red Lions ang Chiefs.

Nakahugot ng 17 points kay Alder Dela Rosa, pina­yukod ng San Beda Col­lege ang Arellano Univer­sity, 70-54, sa second round ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kung mawawalis ng Red Lions ang kanilang hu­ling laro, awtomatiko nilang masasambot ang outright finals ticket na naglalaman ng ‘thwice-to-beat’ privilege sa championship series.

May 13-0 rekord nga­yon ang San Beda kasunod ang nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos (12-1), Jose Rizal University (11-3), Mapua (8-5), Letran College (6-8) at mga talsik nang Arellano (5-9), College of St. Benilde (5-10), Emilio Aguinaldo College (2-12) at University of Perpetual Help-System Dalta (0-14).

Ang tatlong huling laro ng Red Lions ay laban sa Heavy Bombers, Knights at Stags.

Nagdagdag sina Ame­rican import Sudan Daniel at Jake Pascual ng tig-11 points para sa San Beda, habang may 10 naman si Da­ve Marcelo.

Umiskor si Adrian Ce­lada ng 19 points para pa­munuan ang Arellano ni Leo Isaac.

Sa unang laro, binigo naman ng sibak nang St. Benilde ang Perpetual, 70-64.

Nagtala si Carlo Lastimosa ng 15 points para sa Blazers kasunod ang 14 ni Timothy McCoy at 13 ni Mark de Guzman at may 20 naman si Jet Vidal para sa Altas.

CSB 70- Lastimosa 15, McCoy 14, de Guzman 13, Manalac 8, Sinco 6, Tan 6, Nay­ve 4, Abolucion 2, Arga­mino 1, Amin 1, Wong 0.

Perpetual Help 64- Vidal 20, Allen 12, Danganan 8, Sumera 8, Arboleda 5, Salvado 4, Kintanar 3, Alano 2, Asuncion 2, Elopre 0, Ynion 0, Sison 0.

Quarterscores: 21-15; 32-35; 55-46; 70-64.

San Beda 70- dela Rosa 17, Daniel 11, J. Pascual 11, Marcelo 10, Lanete 9, Caram 5, Villahermosa 4, K. Pascual 2, A. Semerad 1, D. Semerad 0, Moralde 0, Sorela 0, Lim 0.

Arellano U 54- Celada 19, Ciriacruz 14, Casino 6, Lapuz 4, Advincula 4, Cape­ral 2, Acidre 2, Zulueta 1, del Rosario 0, Palma 0.

Quarterscores: 20-9; 36-22; 56-44; 70-54.

Show comments