MANILA, Philippines - Sumikwat ng upuan sa semis ang STI College kasama ang University of Manila matapos nilang durugin ang nagtatanggol na San Sebastian College- Cavite, 74-55 sa ika-10th na edisyon ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa UM Gym.
Tumabo ng 12 puntos ang 6’6 Cameroonian rookie na si Henri Betayene para pamunuan ang Olympians sa mga serye ng mga umaatikabong mga run sa ikalawang period para itala ng Vic Ycasiano-coached team ang kanilang ika-12 na tagumpay laban sa tatlong kabiguan.
Magkasama na ang STI at UM sa semis ng torneong iniisponsoran ng Vega Balls at Tropical Hut at inorganisa ni Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College.
Sa isa pang laro, ang five-time titlists na Hawks ay dumapa laban sa Informatics Icons, 86-88.
Nag-init si Mark Montuano para tumpia ng 29 puntos kabilang ang isang short stab may 4.2 segundo na lamang ang natitira sa laro upang igiya ang Icons sa kanilang ika-10 na panalo laban sa limang talo at upang mapanatiling buhay ang tsansa para sa huling dalawang Final Four berths.
Informatics 88- Montuano 29, Leonida 11, Acuna 10, Baltazar 9, J. Santos 8, Corpuz 8, T. Santos 6, Limpat 5, Ungco 2, Carlos 0.
UM 86- Colina 29, Viernes 21, Torres 18, Ibay 6, Ancheta 4, Tamayo 4, Manuel 2, Sanguyo 2, Tan 0, Paterno 0.
Quarterscores: 14-26, 39-54, 59-73, 88-86.