Magandang debut sa STAR Group, MLQU
MANILA, Philippines - Pawang nagtagumpay ang Manuel Luis Quezon University at ang Star Group of Publications kontra sa kani-kanilang katunggali upang simulan ang kanilang kampanya sa 2010 MBL Invitational Basketball Championship sa magandang marka nitong Martes ng gabi sa Lyceum Gym sa Intramuros sa Maynila.
Natakasan ng MLQU ang Lyceum of the Philippines, 73-72 habang pinigil naman ng Star Group ang EJM Pawnshop, 62-58 para magsalo sa maagang liderato sa kanilang 1-0 win-loss na baraha.
Isang putback mula kay Jopher Custodio may 12 segundo na lamang ang nalalabi sa laro ang kumumpleto sa come-from-behind na tagumpay ng Stallions na naghabol ng 12 puntos sa simula ng final canto.
Nabigo ang Lyceum na masungkit ang tagumpay matapos magmintis ang isang libreng tira ni Chris Cayabyab kasabay ng pagtunog ng final buzzer.
Nagtala ng 25 puntos ang 6’3 na si Custodio para pamunuan ang MLQU habang nagdagdag naman si Jack Manalansan ng siyam at may tig-walo sina Alvin Vitug at Erick Dizon habang si Fritz Gerald Ong na may 20 puntos ang nagbuhat sa Pirates ni coach Bonnie Tan.
Sinaluhan naman ng Star Group ang MLQU sa unahan sa pagbibida nila Jong Bondoc, Dennis Rodriguez at Virgilio Roque na namuno para sa media outfit na mapigilan ang makailang ulit na pagtatangka ng EJM Pawnshop na makabalik sa laro at maagaw nito ang panalo.
Nagtala ng double-double performance si Bondoc sa kanyang tinikadang 16 puntos at 10 rebounds para balikatin ang atake ng Star Group habang si Rodriguez naman ay may siyam mula sa malinis na 3-of-3 shooting mula sa rainbow arc.
Sina Allan Evangelista at MC Caceres naman ang bumandera para sa EJM Pawnshop sa kanilang 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.
MLQU 73--Custodio 25, Manalansan 9, Vitug 8, Dizon 8, Urbano 6, Celso 4, D.Uduba 4, Lustestica 4, Sumayang 2, Cruz 2, J.Uduba 0, Parapa 0, Lee 0, Gile 0.
Lyceum 72-- F. Ong 20, Abaya 10, Guevarra 10, Lacap 8, Rimando 6, Fampulme 5, Cayabyab 4, Anacta 3, S.Ko 2, Azores 2, Santos 2, Francisco 0.
Quarterscores: 17-18, 38-37, 49-61, 73-72.
Star Group 62--Bondoc 16, Rodriguez 9, Roque 8, Ortega 6, Geocada 6, Corbin 5, Coquilla 4, Reducto 2, Bartolome 2, Reyes 2, Martinez 2, Tabang 0.
EJM Pawnshop 58--Evangelista 15, Caceres 12, Zablan 8, Hubalde 8, Santos 5, Mabayo 2, Reyes 2, Morillo 2, Cacha 2, Sta Maria 1, Escosio 1, Marcos 0, Bibe 0.
Quarterscores: 17-10, 31-25, 47-44, 62-58
- Latest
- Trending