^

PSN Palaro

Pigilan ang FEU pakay ng La Salle

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ibaon sa limot ang di magandang nangyari no­ong nakaraang taon ang isa sa pakay ng FEU sa pagsisimula ng 73rd UAAP men’s basketball Final Four ngayon sa Araneta Coliseum.

Babangga ang Tamaraws sa La Salle sa pagsisimula ng aksyon sa se­mifinals ganap na alas-4 ng hapon at kailangan la­mang manalo ng tropa ni coach Glen Capacio para makuha ang karapatang umabante sa Finals.

Ang makukuhang ta­gumpay ay makakatulong din upang makabawi ang Tamaraws sa pagkatalo ng koponan sa UE sa nag­daang edisyong Final Four na kung saan ang FEU ay may tangan din na twice to beat advantage.

“May rason ang bawat kabiguan at ang nangyari sa amin noon ay nawala si Mark Barroca. Malaking bagay ito para sa amin. Ngayon wala na kaming rason para matalo,” wika ni Capacio.

 Naghati ang Tamaraws at Archers sa dalawang pag­kikita sa eliminasyon at una ang FEU sa 84-80 double overtime panalo noong Hulyo 29 bago nakabawi ang La Salle sa pa­mamagitan ng 80-66 tagumpay noong Agosto 28.

Pero angat ang FEU dahil sa karanasang taglay sa paglalaro sa Final Four.Mangunguna sa koponan si RR Garcia na siyang hinirang bilang Most Valuable Player ng torneo.

Makakatulong niya ang mga beterano ring sina Aldrech Ramos, Reil Cervantes, at rookie Terence Romeo na hinirang din bi­lang Rookie of the Year.

Ang mga beteranong sina Simon Atkins, Maui Vila­nueva at Joshua Webb huhugot ng lakas ang Archers para mapalawig sa sudden death ang kanilang tagisan.

Ang ikalawang Final Four sa pagitan ng number two seeds at nagdedepensang Ateneo at third seeds Adamson ay magaganap naman sa Linggo.

ALDRECH RAMOS

ARANETA COLISEUM

FINAL FOUR

GLEN CAPACIO

JOSHUA WEBB

LA SALLE

MARK BARROCA

MAUI VILA

SHY

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with