^

PSN Palaro

Altamirano kumpiyansa sa preparasyon ng team

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Umaasa si Nokia RP U18 coach Eric Altamirano na sapat ang mahabang pre­­parasyon upang magtagumpay ang bansa sa paglahok sa 21st FIBA Asia U18 Championship sa Sana’a, Yemen mula Setyembre 22 hanggang Oktubre 1.

 Ang Pilipinas ay nakasali sa torneo at kakatawanin ang Southeast Asia nang mapagharian ang SEABA event noong nakaraang taon.

“Ang maganda sa team na ito ay ang core players last year ay kasama pa rin at dinagdagan na lamang ng ilang players. Kaya may jelling na sila at may confidence na sila,” wika ni Altamirano.

Mangunguna nga sa koponan ang mga bigating manlalaro ng Ateneo tulad ng team skipper Kiefer Ravena at Von Rolfe Pessumal. Andiyan din si Kevin Ferrer ng UST habang ang iba pang kasapi ay sina Joshua Angelo Alolino, Cris Michael Tolomia, Rafael Banal, Jeron Alvin Teng, Roldan Sara, Russel Escoto, Kyle Drexler Neypes, Jeth Troy Rosario, Gwyne Matthew Capacio at Cederick Labing-isa.

Sina Tolomia at Teng ay mga naglaro sa Youth Olympic Games at ang karana­san nila ay makakatulong upang mapag­tibay ang koponan.

Sina Fil-Am Bobby Ray Parks Jr. at Michael Pate na sumabak din sa YOG sa Singapore ay hindi naman isinama dala ng problema sa kanilang pag-aaral.

Maliban kina Ravena, Pessumal, Ferrer at Alolino, ang ibang kasapi ay tutulak na patungong Yemen sa Miyerkules. Si Alolino na naglalaro sa Perpetual Help ay aalis sa Biyernes habang sa Setyembre 21 naman ang lipad nina Ravena, Pessu­mal at Ferrer na ang mga koponan ay nagta­tagisan sa UAAP juniors finals.

Ang Pilipinas ay nakasama sa Group C at unang laro nila ay sa Saudi Arabia sa Setyembre 22. Sunod nila ang pumangatlo sa huling edisyon na Syria bago tapusin ang group elimination laban sa China.

ANG PILIPINAS

CEDERICK LABING

CRIS MICHAEL TOLOMIA

DREXLER NEYPES

ERIC ALTAMIRANO

GROUP C

GWYNE MATTHEW CAPACIO

JERON ALVIN TENG

JETH TROY ROSARIO

SETYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with