Floyd problemado ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa ang ilang boxing personalities na matututo na ng kanyang leksyon si Floyd Mayweather, Jr.

“He’s got to get his life in order,” sabi ni HBO Sports President Ross Greenburg sa panayam ng The Times matapos ang pagkakaaresto kay Mayweather sa Las Vegas sa alegasyong grand larceny at pagnanakaw sa cell phone ng kanyang ex-girlfriend.

Ayon kay Greenburg, matagal na niyang kilala ang 33-anyos na American fighter at nakasama sa ilang malalaking laban.

“This gives me pause. I’ve known Floyd for many years, and we’ve showcased him several times on HBO’s reality series “24/7,” with people engaged by his personality. Now people are repelled by his perso­nality,” ani Greenburg. “I hope he can learn from these terrible mistakes. Someone has to do an intervention with him.”

Ipinagtanggol naman ni Greenburg si Manny Pacquiao mula sa alegasyon ni Mayweather na gumaga-mit ito ng ‘performance-en-hancing drugs (PED) sa kanyang mga laban bukod pa ang pang-aalipusta sa Congressman ng Sarangani.

“There’s no place for that kind of behavior or that racist diatribe. I hope it never happens again, and that he’s learned his lesson,” wika ng HBO Sports chief sa inasal ni Mayweather.

Sinabi naman ni Richard Schaefer, ang Chief Executive Officer (CEO) ng Golden Boy Promotions na co-promoter ng mga laban ni Mayweather, na ang kontrobersyang kinasasangkutan nito ay ang kapalit ng kasikatan.

Show comments