^

PSN Palaro

Batang Valdez tumudla ng bagong RP record

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Ipinagpapatuloy ng teen­ager na si Jayson Valdez ang kanyang pag-akyat sa kasikatan sa Philippine shooting nitong Linggo sa pamamagitan ng pagtatala ng bagong national record sa men’s 10-meter air rifle com­petition na ginanap sa PSC/ Marines Range sa Fort Bonifacio.

Ang 15-anyos na si Val­dez, isang third year high school mula sa Malate Ca­tho­lic School ay nagpukol ng 595 puntos upang padapain ang beteranong si Emerito Concepcion patungo na rin sa pagbura sa record ni Concepcion na 594 na nanatili sa loob ng apat na taon.

Ang produkto ng Natio­nal Youth Development prog­­ram na si Valdez ay na­kapasok rin sa Pambansang koponan ng Pilipinas sa darating na Asian Games kasama sina Southeast Asian Games rapid fire titlists Nathaniel ‘Tac’ Padilla.

“Jayson will definitely go far in his event,” ani Padilla patungkol sa batang si Valdez. Si Padilla, anak ni da­ting Olympian Mariano “Tom” Ong ay nagpasalamat sa Philippine Olympic Committee sa paglalagay kina Valdez at Manosa sa RP Team.

Kumuwalipika si Ma­nos­ca sa men’s 10-meter air pistol event sa kanyang iti­nalang 562 puntos upang ungusan si Carolino Gonzales ng isang puntos at Ronald Robies ng tatlong puntos.

Tumapos naman si Val­dez ng may 16 puntos na kalamangan sa third placer na si Allen Pinlac na sinun­dan nila John Cymon Concepcion na may 570 puntos, Filbert Tan na may 556 at Dr. Allen Librojo na may 531.

ALLEN PINLAC

ASIAN GAMES

CAROLINO GONZALES

DR. ALLEN LIBROJO

EMERITO CONCEPCION

FILBERT TAN

FORT BONIFACIO

JAYSON VALDEZ

SHY

VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with