12th dikit na panalo asinta ng Bedans
MANILA, Philippines - Bagamat pasok na sa Final Four, ang pananatili sa kanilang malinis na rekord ang pakay ng San Beda College sa pagtarget sa pang 12 sunod na panalo sa second round ng 86th NCAA men’s basketball tournament.
At sa mga koponan ngayon, ang depensa ng Cardinals ni Cito Victolero ang pinangingilagan ng Red Lions ni Frankie Lim.
“This is the reason why we had a hard time beating them in the first round. They have good shooters we have to cover and worry about,” ani Lim sa Mapua Institute of Technology. “We want to continue our roll and we cannot afford to be complacent.”
Magsasagupa ang Red Lions at ang Cardinals ngayong alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng Letran Knights at sibak nang Perpetual Altas sa alas-2 sa The Arena sa San Juan.
Tangan ng San Beda ang malinis na 11-0 kartada kasunod ang nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos (11-1), Jose Rizal University (9-3), Mapua (7-4), Letran (4-7), Arellano University (4-8) at mga talsik nang Emilio Aguinaldo College (2-10) at Perpetual (0-11).
Ang Red Lions, Stags at Heavy Bombers ang unang tropang umabante sa Final Four, habang may tsansa naman para sa huling silya ang Cardinals, Knights at Chiefs.
Nanggaling ang San Beda sa 92-61 paggiba sa Perpetual, samantalnag umiskor naman ang Mapua ng 74-65 tagumpay kontra EAC noong nakaraang Biyernes.
- Latest
- Trending