^

PSN Palaro

Americans hiniya ng Patriots sa Baseball Philippines Goodwill Games

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Dinomina ng Taguig Patriots ang USS George Washington upang umukit ng 16-5 na tagumpay sa Baseball Philippines Goodwill Games na ginanap sa Felino Marcelino Baseball Stadium sa Taguig noong Linggo.

Ang Taguig na pinalakas ng mga star players ng Pilipinas ay nagtala ng 11 hits upang umusad sa 9-0 na kalamangan sa ikaapat na inning patungo sa isang lopsided na tagumpay laban sa mga US Servicemen na bumisita sa bansa.

Si Ferdinand Recto ay nakipagsanib kay Miggy Corcuera ng Cebu Dolphins para maka-iskor ng dalawang puntos para pamunuan ang tagumpay ng mga taga-Taguig. Mayroong two-run single si Recto sa ika-apat na innings habang si Corcuera namay ay may tig-isa sa ika-apat at ika-anim na innings.

Sina Charlie Labrador at Jon Jon Robles, ang Baseball Philippines Series VI Finals MVP ay may tig-isang hits sa ika-limang inning na kung saan nagtala ang USS George Washington Patriots ng dalawang runs.

Dumalo sa naturang exhibition match ang mga opisyal ng US Embassy sa pamumuno ni Alan Holst, Taguig Vice Mayor George Elias, Community Sports Director Wopsy Zamora at Commissioner Chito Loyzaga ng Philippine Sports Commission.

Magsasagawa rin ang mga Amerikano ng mga outreach programs sa kanilang huling dalawang araw ng pagbisita sa bansa. Maglalaro rin sila ng basketball, soccer at softball laban sa mga local na manlalaro.

ALAN HOLST

ANG TAGUIG

BASEBALL PHILIPPINES GOODWILL GAMES

BASEBALL PHILIPPINES SERIES

CEBU DOLPHINS

COMMISSIONER CHITO LOYZAGA

COMMUNITY SPORTS DIRECTOR WOPSY ZAMORA

FELINO MARCELINO BASEBALL STADIUM

GEORGE WASHINGTON

GEORGE WASHINGTON PATRIOTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with