^

PSN Palaro

Dobleng panalo sa Titans

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Doble ang selebras­yong ginawa ng AMA Com­puter University matapos silang magrehistro ng da­la­wang tagumpay kahapon sa men’s at junior’s division ng 10th edisyon ng Natio­nal Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa STI Gym sa Bonifacio Global City.

Pinadapa ng Titans ang Lyceum of Subic Bay, 86-76 upang maging pang-pitong sa walong koponan na uusad sa ikalawang round ng torneo habang ang Young Titans naman ay nagtagumpay kontra University of Makati, 88-61 upang angkinin ang ikaanim at huling puwesto para sa junior’s division.

Tumipa ng 17 puntos at 13 rebounds ang dating UST reserve na si Mark Mangalindan para pamunuan ang Titans na minamanduhan ni Jhune Golosinda.

Nagdagdag ng 16 puntos si Jonathan Ibarra at mayroong 13 puntos si Ray­mund Alvarado para sa AMA na nag-aasam na naman ng isa pang titulo.

Ang kabiguang ito ng Lyceum of Subic Bay ang naging dahilan upang hindi sila makausad sa ikalawang round ng bakbakan sa unang pagkakataon magmula nang lumahok sa torneo noong 2008.

Sa iba pang laro, dinu­rog ng STI Colleges ang Pamantasan ng Lungsod ng Pasay, 92-44 habang pinayukod naman ng Informatics International Colleges ang nagtatanggol na San Sebastian College- Cavite, 67-57.

Pinagbidahan ni Hassed Gabo ang atake ng Olympians ni Vic Ycasiano sa kanyang tinalang 12 puntos.

Tinapos ng STI ang ka­nilang kampanya sa eli­minations sa 9-2 karta­da upang sundan ang five-time titlists University of Ma­nila sa second round sa 12-team tourney na ito na inorganisa ni Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan.

ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

BONIFACIO GLOBAL CITY

COLLEGES AND UNIVERSITIES

DR. JAY ADALEM

HASSED GABO

INFORMATICS INTERNATIONAL COLLEGES

JHUNE GOLOSINDA

JONATHAN IBARRA

LYCEUM OF SUBIC BAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with