MANILA, Philippines - Kasabay ng isa na namang ‘escape act’ ng Stags, tuluyan nang inangkin ng Heavy Bombers ang ikatlong silya sa Final Four.
Nagtala si Cameroonian guard John Njei ng 13 points, 2 assists, 2 rebounds, 2 steals at 2 blocks para tulungan ang Jose Rizal University sa 67-64 pagtakas sa Arellano University, samantalang bumangon naman ang nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos sa isang 10-point deficit para igupo ang talsik nang University of Perpetual Help-System Dalta, 72-63, sa second round 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Tangan pa rin ng San Beda College ang liderato mula sa matayog nilang 11-0 baraha kasunod ang San Sebastian (11-1), Jose Rizal (9-3), Mapua (7-4), Letran College (4-7), Arellano (4-8), College of St. Benilde (4-8), Emilio Aguinaldo College (2-10) at Perpetual (0-11).
Umiskor si Celada ng season-high 30 points, 24 rito ay kanyang hinugot sa second half, para sa Chiefs na kailangang mawalis ang kanilang huling apat na laro para sa ikaapat at huling Final Four seat kasabay ng pagdarasal na matalo ng apat sa kanilang huling limang laban ang Cardinals.
Matapos kunin ng Altas ang 33-25 lamang sa first half, bumawi ang Stags sa likod nina Pamboy Raymundo, Ian Sangalang, Calvin Abueva at Gilbert Bulawan para agawin ang 36-34 abante sa 6:06 ng third period.
Jose Rizal 67- Njei 13, Matute 10, Lopez 10, Apinan 8, Hayes 6, Almario 4, Etame 4, Montemayor 4, Kabigting 4, Bulangis 4.
Arellano U 64- Celada 30, Lapuz 12, Tayongtong 11, del Rosario 4, Zulueta 3, Casino 2, Ciriacruz 2, Caperal 0, Anquilo 0.