STI giniba ang PLP

MANILA, Philippines - Kumana si Hessed Ga­bo ng 12 puntos upang trangkuhan ang STI sa 92-44 pagdurog sa Pamantasang Lungsod ng Pasay at upuan ang ikalawang pu­westo sa pagtatapos ng first round ng 10th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities sa STI Global gym kahapon.

Sumuporta kay Gabo si Bryan Daguplo na umis­kor ng 10 points at ihatid ang Olympians sa kanilang ika­walong panalo matapos ang tatlong talo sa 11 games ng 12-team tournament na ito na inorganisa ni NAASCU president Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare.

Patuloy namang hawak ng University of Manila ang solong liderato sa kanilang 10-1 win-loss slate.

Sa iba pang laro, pi­na­yukod ng Informatics ang San Sebastian-Cavite, 67-57, hiniyan naman ng AMA Computer U ang Lyceum de Subic Bay, 86-76 upang pumuwesto ng ikalima at ikapitong posisyon taglay ang 7-4 win-loss slate at 6-5 panalo-talo karta, ayon sa pagkakasunod.

Pawang nasibak naman ang LSB (4-7), St. Clare (2-9), PLP (2-9) at University of Makati (0-11).

Out of the race are LSB (4-7), St. Clare (2-9), PLP (2-9) and University of Makati (0-11).

Show comments