Junior Altas babawi sa Staglets
MANILA, Philippines - Tatangkain ng University of Perpetual Help (UPH) Junior Altas na mapanatili ang kanilang ikalawang puwesto sa pakikipagtunggali sa 4th placer SSC-R Staglets sa junior division.
Ang Las Piñas City-based Junior Altas ay naglista na ng 7-3 win-loss slate at hangad ng Dr. /Col. Antonio Tamayo owned university squad na makabangon mula sa nalasap na kabiguan sa Staglets sa alas-12 ng tanghali.
Matatandaan na tinalo ng Recto-based cagers ang Altalettes sa bisa ng 74-69 iskor noong Hulyo 20 sa first round.
Maglalaban naman ang JRU Light Bombers at Arellano University Baby Chiefs sa alas-10 ng umaga sa pambungad na laro.
Muling sasandigan ni Altalettes coach Tonichi Pujante ang kamador at 18-Under RP standout Angelo ‘Gelo’ Alolino na siyang bumabandera ngayon sa scoring department sa juniotr side sa kanyang naiposteng 28.6 points per game sa anim na laro sa first round ng elimination.
Naunahan ni Alolino sina Staglets Gino Jumao-as na 23.6 per game, Light Bomber Cris Dela Paz na 22.3 per game at Mark Cruz ng LC Squires na 22.2 per game sa kanilang walong laro sa elims.
Kumolekta ang 6-foot at 16-anyos na si Alolino ng kabuuang 172 puntos sa anim na laro .
Bukod kay Alolino, aasa rin si Pujante kina spitfire Axel Iñigo, Flash Sadiwa, 6’1 power forward Topher Negranza, sixman John Palisoc, (Sual, Pangasinan native) Joville Garcia, Christian Pascual at 6’1 center Mark Bitoy.
Target ng Junior Altas na makapasok sa Final Four sa kauna-unahang pagkakataon sapul ng sumapi sa liga noong 1985.
- Latest
- Trending