MANILA, Philippines - Tuluyan nang nasambot ni Filipino International Master Roland Salvador ang kanyang ikatlo at huling Grand Master norm sa 11th International Chess Tournament Fermo-Porto San Giorgio sa Astoria Hotel sa Italy.
Nakasalo ni Salvador, may 2498 FIDE rating at inaasahang aabot sa 2500 sa quarterly ran kings, sina GMs Vladimir Epishin ng Russia, Peter Prohaszka ng Hungary, Viesturs Meijers ng Latvia, Alberto David ng Luxemburg at Manuel Leon Hoyos ng Mexico sa unahan mula sa kanilang magkakatulad na 7.0 points.
Bunga nito, makaka bilang na si Salvador, nakabase sa Italy, sa Filipino GM club nina Wesley So, Eugene Torre, ang namayapang si Rosendo Balinas, Joey Antonio, Bong Villamayor, Nelson Mariano II, Joseph Sanchez, Darwin Laylo, Jayson Gonzales at John Paul Gomez.
Ilan sa mga biniktima ng dating Rizal Technological University standout na si Salvador sa torneo ay sina Italians Jon Arana Garate, Valerio Raineri, Rubern Bernadi at GM David.