^

PSN Palaro

Mayweather nag-sorry kay Pacquiao

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi na dapat pansinin pa si Floyd Mayweather Jr. kung ang kahiligan nito na magsalita laban sa iba ang pag-uusapan.

Humingi ng paumanhin si Mayweather sa kanyang mga binitiwang pangit na pananalita laban kay Manny Pacquiao na umani rin ng pambabatikos sa ibang kampo maliban sa panig ng Pambansang kamao dahil ikinonsi­dera ang pananalita nito bilang isang racist.

“I do want to apologize for what happened the other night. I want to apologize to everybody because everybody thought that it was a racist comment that I said. If anybody was affected from what I said the other day, I apologize as a man. I was just having fun. I didn’t really mean it,” pahayag ni Mayweather sa bagong video.

Pero kasabay nito ay hindi pa rin tumigil si Mayweather na batikusin si Pacquiao dahil minaliit pa rin niya ang kakayahan ng natatanging boksingero na mayroong pitong world titles sa magkakaibang dibisyon.

“To all the Manny Pacquiao fans, stand behind him, even one day when we meet up and I beat him. I want to believe in himself and believe in his skills and I want him to believe that he’s going to win because he’s supposed to believe he’s going to win. All 41 opponents that I faced believed that they was gonna win, but it didn’t happen and it’s not gonna happen,” dagdag nito.

Napanood na ni Pacquiao ang video na naghahayag ng pang-iinsulto ni Mayweather sa kanyang kakayahan gayong mismong ang walang talong US boxer ang ayaw naman siyang kaharapin kahit pumayag na si Pacman sa kagustuhan nito patungkol sa blood testing.

“It was an uneducated message,” banat pa ni Pacquiao na hindi na gusto pang palawigin ang usaping ito dahil mas gusto niyang pag-usapan ang laban niya kontra kay Antonio Margarito sa Nobyembre 13 para sa bakanteng WBC junior middleweight title sa Cowboys Stadium sa Texas.

Para naman kay Freddie Roach, hindi na umano dapat pagtakhan ang ugali na ito ni Mayweather dahil noon pa man ay ginagawa na niya ang ganitong pag-atake kay Pacquiao.

May isinampa pa ngang kaso si Pacquiao sa kampo ni Mayweather matapos siyang akusahan na nandadaya kaya ayaw magpakuha ng dugo bilang bahagi ng drug testing sa sana’y binubuo nilang laban para sa taong ito.

ANTONIO MARGARITO

COWBOYS STADIUM

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

HUMINGI

MAYWEATHER

NAPANOOD

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with