MANILA, Philippines - Matapos sina Nonoy Baclao, Rabeh Al-Hussaini at Rey Guevarra ng Air21, pumirma naman ng kanilang mga kontrata sina rookies Bam Bam Gamalinda, Ford Arao at Khazim Mirza sa Meralco para sa darating na 36th season ng Philippine Basketball Association (PBA).
Sina Gamalinda, naging sandata ng San Beda College sa pag-angkin sa 2006, 2007 at 2008 NCAA crowns, Arao at Mirza ng pare-parehong one-year, P1.2 million contract sa Bolts.
Ang tatlo ay hinugot ng Meralco, bumili sa prangkisa ng Sta. Lucia, sa second round.
Ang 6-foof-2 na si Gamalinda ay ang 11th overall pick, habang ang 6’6 na si Arao, produkto ng Ateneo De Manila University, at Mirza, naglaro sa University of Sto. Tomas, ay nasikwat bilang No. 14th at No. 16 picks, ayon sa pagkakasunod.