Bangkay ng anak ni Arum natagpuan na
SEATTLE --Natagpuan na ang katawan ng anak ni Hall of Fame boxing promoter Bob Arum sa Washington state mountainside kahapon matapos ang limang araw na paghahanap sa North Cascades National Park.
Ang bangkay ni John Arum, isang experienced mountain climber, ay nakita ng National Park Service helicopter sa halos 7,700-foot level ng 8,500-foot Storm King mountain, ayon kay park spokeswoman Kerry Olson.
Nabigo ang mga awtoridad na mahanap ang 49-anyos na Seattle environmental attorney.
Bagamat nahirapang makuha ang katawan ni John, sinabi ni Olson na isa nang malamig na bangkay ang anak ni Arum.
“There was no doubt of that,” ani Olson kay John na pinaniniwalaang nahulog sa bangin.
“His plan was to climb Storm King on Saturday, so it’s probably a safe assumption that he fell that day,” dagdag pa ni Olson kay John.
- Latest
- Trending