^

PSN Palaro

Phoenix may puwesto na sa F4

- Ni Mcinco -

MANILA, Philippines - Sumeguro na ng puwes­to sa magic four ang Our Lady Of Fatima University ma­tapos talunin ang host school St. Clare kahapon, 95-62 sa pagpapatuloy ng umiinit na aksyon ng 10th edisyon ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities sa University of Manila Gym.

Naglista ng 29 points, apat na rebounds at tig-da­lawang assists at steals ang tubong Davao na si An­thony Benavidez para banderahan ang Phoenix patungo sa kanilang ika-pitong tagumpay kontra sa apat na kabiguan at iwan na ang defending champion San Sebastian-Cavite sa panglimang puwesto na mayroong 6-4 kartada.

Pinadapa naman ng New Era University ang Uni­versity of Makati, 95-62 upang mapanatili pa ang kanilang pag-asa na ma­ka­usad sa semifinals ng na­turang liga.

Ang tubong Rizal na si Mhark Lopez ang nagbida para sa Hunters sa kanyang kinamadang double-double na 26 puntos at sampung rebounds. Tumabla sa ikapitong puwesto ang New Era kasama ang AMACU sa kanilang magkaparehong 5-5 win-loss slate.

Sa kanilang mga ka­bi­guan, nahulog ang Saints sa 2-9 na baraha habang nananatiling wala pa ring panalo ang Hardy Herons sa loob ng 11-games.

COLLEGES AND UNIVERSITIES

HARDY HERONS

MHARK LOPEZ

NATIONAL ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

NEW ERA

NEW ERA UNIVERSITY

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

SAN SEBASTIAN-CAVITE

SHY

ST. CLARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with