MANILA, Philippines - Inangkin ni GM Zhao Jun ng China ang korona ng FIDE president Florencio Campomanes Memorial Cup chess championship sa Ninoy Aquino Stadium.
Pumayag si Zhao, ang No. 11th seed sa naturang 72-player field, sa isang draw kay Pichay Cup titlist GM Anton Filippov ng Uzbekistan para tumapos sa isang two-way tie sa first place kasama si top seed GM Le Quang Liem ng Vietnam mula sa kanilang nine-round total na 7 points.
Tinalo naman ni Le, ang highest-rated player sa kanyang ELO 2681, si GM Zhou Jianchao ng China.
Ngunit dahilan sa mas mataas na tiebreak score kay Le, si Zhao ang tinanghal na kampeon. Ibinulsa nila ang premyong US$9,500.
Nagsalo naman sina GM Liren Ding ng China, Zhou, GM Merab Gagunashvili ng Georgia at Filippov sa third hanggang sixth places sa magkakatulad nilang 6.5 points para sa premyong tig-US$ 6,500 at nagtabla sina Filipino bets GM Wesley So, GM Darwin Laylo at IM Richard Bitoon bilang seventh hanggang13th places sa magkakapareho nilang 6 points para sa premyong US$1,914.