Posadas hindi bumitaw sa liderato sa national championships
MANILA, Philippines - Iniwanan ni national bowler Apple Posadas si veteran internationalist Liza del Rosario para panatilihin ang kanyang pamumuno papasok sa finals ng Bowling World Cup national championships sa SM Mall of Asia Center sa Pasay City.
Nagpagulong si Posadas ng isang 20-game total na 4335 pinfalls para mangibabaw kay Del Rosario at anim pang keglers para sa national ladies’ crown at karapatang katawanin ang bansa sa BWC international finals na nakatakda sa Oktubre 15-24 sa Toulon, France.
Nagtala si Del Rosario ng 4306 kasunod ang 4294 ni Krizziah Tabora.
Ang iba pang nasa kontensyon ay sina Lara Posadas (4262), Rochelle Munsayac (4179), Mades Arles (3947), Abbie Gan (3882) at Wanda Teer (3733).
Ang natitira namang 34 contenders sa men’s division, pinangungunahan nina dating BWC international finalist Jeff Carabeo, at four-time World Cup titlist Paeng Nepomuceno, ay kasalukuyan pang nag-aagawan para sa top eight spots sa Paeng’s Midtown Center habang isinusulat ito.
Nagposte si Carabeo ng 2737 pins kasunod sina Nepomuceno (2715), Jeremy Posadas (2714), Sammy Sy (2704), Biboy Rivera (2699), Benshir Layoso (2671), Chester King (2666), Stewart Ngo (2625), Paulo Valdez (2613) at Joonee Gatchalian (2591).
- Latest
- Trending