^

PSN Palaro

Semis kasado sa Lyceum

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Tuluyan ng sinungkit ng Lyceum of the Philippines ang ikatlong ticket para sa semifinals round matapos nilang padapain ang National University sa pagtatapos ng quarterfinals ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 kahapon sa The Arena sa San Juan kahapon.

Sumama na ang Lady Pirates ni Emil Lontoc sa San Sebastian College at Adamson nang kanilang irehistro ang 25-13, 26-24 at 25-23 na straight set na tagumpay kontra sa Lady Bulldogs ni Frank Vicente.

Nagtuwang para buhatin sa final four ng naturang liga ang tambalan ng guest players na sina Mary Jean Balse na tumipa ng 21 puntos at Dahlia Cruz na nagkopo ng 14 puntos kabilang ang tatlong blocks.

Nagdagdag naman si Joy Cases para tulungan ang Balse-Cruz tandem na umusad sa susunod na bahagi ng season-ending conference na iniisponsoran ng Shakey’s Pizza sa kanyang isinumiteng 12 puntos habang nagsalo lamang sa walong puntos sina Christiana Casanov, Nikki Tabafunda at Jamie Pena.

Sina mainstays Maricar Nepomuceno at Mervic Mangui naman ang nagpuno ng puntos para sa mga taga-Sampaloc sa kanilang inilistang 14 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod.

Sa ikalawang laro naman, dinugtungan pa ng Far Eastern University ang kanilang kampanya matapos matakasan ang Ateneo upang mapanatili ang kanilang tsansa para sa semis sa loob ng apat na sets, 25-21, 27-25, 11- 25 at 25-18.  

vuukle comment

CHRISTIANA CASANOV

DAHLIA CRUZ

EMIL LONTOC

FAR EASTERN UNIVERSITY

FRANK VICENTE

JAMIE PENA

JOY CASES

LADY BULLDOGS

LADY PIRATES

LYCEUM OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with