MANILA, Philippines - Isinantabi ng Far Eastern University ang record sa foul na ginawa ng karibal na National University nang maiuwi ang 77-62 panalo na nagpatibay sa hangaring unang dalawang puwesto sa pagpapatuloy ng 73rd UAAP men’s basketball kahapon sa Araneta Coliseum.
Pitong fouls lamang ang naitawag sa Bulldogs sa kabuuan ng laro pero hindi nila napigil ang pag-iinit ni RR Garcia para makamit ng Tamaraws ang ika-10 panalo sa 12 laro.
Ang tagumpay ay nagselyo sa koponan ni coach Glen Capacio ng playoff para sa twice-to-beat advan
Tatlong tres ang ginawa ng pambatong manlalaro ng Tamaraws nang bumangon ang Bulldogs buhat sa 12 puntos na pagkakaiwan at naagaw pa ang kalamangan, 42-41.
Dahil sa kamadang ito ni Garcia ay nakalayo uli ang Tamaraws sa 57-52 matapos ang tatlong yugto bago sinandalan ang matibay na depensa sa huling yugto nang malimitahan lamang sa 10 ang NU upang madomina ang labanan.
May tig-11 puntos din sina Aldrech Ramos at Pipo Noundou para masuportahan si Garcia at maibangon ang Tamaraws buhat sa tinamong 66-80 pagkakadurog sa La Salle.
May 18 puntos naman si Joseph Terso para sa NU na nalaglag sa 5-7 karta at tuluyang silang namaalam sa liga nang manalo naman ang La Salle sa UST, 78-69, sa isa pang laro.
FEU 77 -- Garcia 23, Ramos 11, Noundou 11, Romeo 6, Sanga 6, Cawaling 5, Cruz 4, Bringas 4, Knuttel 4, Cervantes 3, Exciminiano 0.
NU 62 – Terso 18, Mbe 11, Ponferrada 10, Hermosisima 10, Baloran 8, Khobuntin 3, Tungcul 2, Ludovice 0.
Quarterscores: 26-12, 39-29, 59-52, 77-62.