Husay ang magpapanalo sa laban

MANILA, Philippines - Hindi ang angking laki kundi ang angking husay sa pagbo-boxing ang magpapanalo sa laban.

Sa linyang ito, ginarantiya ni trainer Freddie Roach ang napipintong panalo uli ni Manny Pacquiao kay Mexican Antonio Margarito para sa bakanteng WBC junior middleweight na kani­lang paglalabanan sa Nobyembre 13 sa Cowboy’s Stadium sa Dallas, Texas.

“Size doesn’t win fights, skills does,” wika ni Roach nang dumalo sa press tour ng laban na ginawa sa New York.

 “Margarito is a strong puncher, but is not a big puncher with a lot of speed. I’m predicting a knockout,” banat pa ni Roach.

Inamin naman ng kampo ni Margarito na hindi nga kilala sa bilis si Margarito pero alam na nila ito at may ginaga­wang pamamaraan para maisaayos ito.

“Tony is bigger, he will gonna be bigger not faster. But you know, we took the tasked and we just have to deal with that we will be prepared,” wika ng manager ni Margarito na si Sergio Diaz.

Si Robert Garcia ang siyang trainer ngayon ni Margarito na hinawakan na rin ang careers ng mga Filipino champions Brian Viloria at Nonito Donaire Jr.

Pero maliban kay Garcia, kinuha na rin ng team Margarito ang serbis­yo ni conditioning coach Justin Fortune na dating kasama ni Freddie Roach na sinasanay si Pacquiao nang nag­sisimula pa lamang ang Pambansang kamao na magsanay sa Wild Card Gym.

Nagkahiwalay lamang ng landas sina Roach at Fortune dala ng problema sa pananalapi.

“Justin Fortune will be part of the team. I went to see him yesterday and he’s part of the team,” dagdag pa ni Diaz.

Sa isang panayam naman ng Elie Seckbach, sinabi ni Fortune na siya ang susi kung paano tatalunin si Pacman.

 “I got the answers. Absolutely. If I train Margarito, it’s going to be Margarito,” pahayag ni Fortune.

 Ang pagkakaroon din ng kaalaman sa istilo ni Roach dala ng kanilang matagal na pagsasanay ang isa rin na papabor sa kanila ni Margarito.

Gaya naman sa nangyari sa Los Angeles sa unang yugto sa tatlong yugtong press tour, nagpahayag naman sina Pac­quiao at Margarito ng pasasalamat sa dumalo at naniwala nga sa kanilang mga tsansa na manalo.

 “He is very aggressive fighter who throws a lot of punches. He is the opposite of (Joshua) Clottey. I know he poses a great challenge for me but Freddie Roach and I will be ready to train our hardest to win. It’s going to be a good fight,” pahayag ni Pacquiao.

Si Margarito naman ay tiwalang mananalo at ma­wawakasan din ang pagdodomina ni Pacquiao sa mga Mexicanong kina­laban.

 “He has stopped some of the best Mexican fighters in the world, but he won’t be able to stop this Mexican,” banat nga ni Margarito.

Show comments