^

PSN Palaro

Knights may tsansa pa na makapasok sa semis

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kung maganda ang ila­laro ni Jam Cortes sa second round, malaki ang tsansa ng Knights na manalo.

Napatunayan ito ni coach Louie Alas nang hu­makot ang 6-foot-4 na si Cortes ng 21 rebounds at 19 points para tulungan ang Letran sa 72-58 paggupo sa Arellano University at makasilip ng tsansa sa Final Four sa 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

“I told Jam Cortes before the start of the second round that I would use his performance as a barometer. If he plays with a double-double performance, we’ll have a winning chance and we did,” ani Alas kay Cortes, may 9.5 points at 8.6 boards per game averages sa first round.

Maliban sa pagpapalakas ng kanilang pag-asa sa Final Four, nakaganti rin ang Knights sa Chiefs na tumalo sa kanila sa first round, 78-76, noong Agosto 13.

Nagdagdag si Franz Dysam ng 17 points para sa Intramuros-based ca­gers kasunod ang 14 ni Jay­pee Belencion.

May 4-7 rekord ngayon ang Letran sa ilalim ng San Beda College (10-0), nagde­depensang San Sebastian College-Recoletos (9-1), Jose Rizal University (8-2), Mapua (6-4) at Arellano (4-6) kasunod ang College of St. Benilde (3-8), Emilio Aguinaldo College (2-9) at University of Perpetual Help-System Dalta (0-9).

Sa unang laro, tinalo naman ng Blazers ang Gene­rals, 83-64.

Tumipa si Luis Sinco, isang reserve guard mula sa Ateneo High, ng career high 21 points para sa St. Benilde.

“It’s nice to beat EAC for the first time. We wanted to get back from our first round loss, which probably started our downfall,” wika ni Blazers’ mentor Richard del Rosario.

Umiskor si Carlo Lastimosa, ang leading scorer ng torneo, ng 19 points para sa Taft-based team kasunod ang 12 ni Ian dela Paz.

ARELLANO UNIVERSITY

ATENEO HIGH

CARLO LASTIMOSA

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

FRANZ DYSAM

JAM CORTES

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with