Eagles dinagit ang Falcons, pasok na sa semis
MANILA, Philippines - Humugot ng lakas ang nagdedepensang Ateneo sa mga sinasandalang manlalaro upang makamit ang ika-27th sunod na panalo sa Adamson sa pamamagitan ng 55-52 tagumpay sa 73rd UAAP men’s basketball kahapon sa Araneta Coliseum.
Si Ryan Buenafe ay mayroong 14 puntos, 12 rebounds at 1 steal pero sina Nico Salva at Emman Monfort ang umako ng mahalagang puntos sa huling minuto ng sagupaan upang makumpleto ng Eagles ang pagbangon buhat sa walong puntos at mapatatag ang kapit sa pangalawang puwesto sa 9-3 baraha.
Si Salva na nagdagdag ng 13 puntos at 12 rebounds ay umiskor sa isang running hook upang tuluyang maibigay ang kalamangan sa Eagles, 53-52, habang si Monfort ay nagpasok ng dalawang free throws upang mapalawig ang kalamangan sa tatlo may 13 segundo sa orasan.
“Mahirap manalo,” wika agad ni coach Norman Black matapos ang laro.
“It was a game were scoring was a struggle but we played good defense for this game,” dagdag ng beteranong mentor na nasamahan na ang FEU sa Final Four.
Ang matinding depensa nga ay nagresulta upang hindi na makaiskor pa ang Falcons matapos ang tres ni Lester Alvarez para sa 53-51 huling kalamangan ng koponan.
May 22 puntos si Alvarez kasama ang apat na tres ngunit naisablay niya ang mahalagang birada sa papaubos na tagpo ng sagupaan.
Nakita sa laro ang pagkawala sa halftime ni Edwin Escueta nang makitang mali ang suot na shorts nito.
“I will look at it at the dugout because it’s an unfortunate situation,” pahayag ni Black.
Nalaglag ang Falcons sa ikatlong puwesto sa 8-4 karta at patuloy silang hindi nakakaporma sa Eagles mula pa noong 1997.
Tinapos naman ng National University ang paghahabol ng University of the East sa Final Four sa pamamagitan ng 69-68 panalo sa unang sagupaan.
- Latest
- Trending