^

PSN Palaro

Huling semis slot nakataya sa sagupaang Lady Tams, Pirates

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Sa kanilang pagbabang­ga ngayong araw, pag-a­agawan ng Far Eastern University at Lyceum ang ikaapat at huling puwesto para sa semifinals round ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Sea­son 7 sa ganap na alas-6 sa The Arena sa San Juan.

Pawang tabla para sa ikaapat at ikalimang puwesto ang Lady Tamaraws at Lady Pirates sa kanilang magkaparehong 5-5 win-loss slate.

Kinakailangang ipanalo ng parehong koponan ang kanilang huling dalawang asignatura kabilang ang larong ito upang masiguro ang kanilang pagpasok sa susunod na bahagi ng season-ending conference ng ligang inorganisa ng Sports Vision.

Pagkatapos ng kanilang banggaan, haharapin ng Lyceum ang NU habang sasagupain ng FEU ang Ateneo sa Huwebes upang tapusin ang kanilang kampanya sa quarterfinals.

Sa iba pang laro, magsusukatan ang Lady Falcons ni coach Dulce Pante at ang NU Bullodgs sa unang laro sa alas-2 ng hapon, habang makikipagbuno ang Lady Stags ni coach Roger Gora­yeb sa Ateneo sa alas-4.

vuukle comment

ATENEO

DULCE PANTE

FAR EASTERN UNIVERSITY

LADY FALCONS

LADY PIRATES

LADY STAGS

LADY TAMARAWS

ROGER GORA

SAN JUAN

SPORTS VISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with