NBA Legends masisilayan ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon, muling ma­tutunghayan ang ilang bigating NBA Legends sa Araneta Coliseum.

Nakatakdang magta-pat ang White Team, kina­bibilangan nina Chris Webber at Mitch Richmond, at ang Red Team, pinagbibidahan nina Glen Rice at Gary Payton, para sa NBA Asia Challenge 2010 ngayong alas-8 ng ga­bi sa Araneta Coliseum.

Makakasama nina Webber at Richmond sa White Team sina PBA Legends Al­vin Patrimonio, Benjie Paras at Ronnie Magsanoc at PBA stars Dondon Honti­veros, Ronald Tubid at PBA 2010 Rookie of the Year Rico Maierhofer at sina NBDL cagers Richie Frahm at Mark Tyndal.

Nasa Red Team naman nina Rice at Payton si­na PBA Legends Allan Caidic, Atoy Co at Vergel Meneses at PBA stars Asi Taulava, LA Tenorio at Arwind Santos at mga NBDL players na sina Chris McCray at Darnell Lazare.

Si Tim Cone ng Alaska, naghari sa katatapos na 2009-2010 PBA Fies­ta Conference ang Red Team, habang si Siot Tanquingcen ng San Miguel ang mamamahala sa Whi­te Team.

Ang bantog na Miami Heat Dancers, kinabibi­langan ng Fil-Mexican na si Maria, ang sasayaw sa halftime. 

Show comments