^

PSN Palaro

Hawks lider na sa NAASCU tourney

-

MANILA, Philippines - Inangkin ng five-time champion University of Ma­nila ang solong liderato matapos na payukurin ang Lyceum of Subic Bay, 104-82 sa pagpapatuloy ng aksyon sa 10th NAASCU men’s basketball tournament sa UM gym.

Ang panalo ay nagbigay sa Sampaloc-based squad ng pitong panalo matapos ang walong asignatura.

Sumandig ang Hawks, tangka ang korona sa paggabay nina coach Jojo Cas­tillo at manager Atty. Ernesto delos Santos, sa matikas na performance ni rookie for­ward Eugene Torres matapos trangkuhan ang koponan sa pag-alagwa.

Hindi napigil si Torres ng kanyang mga bantay sa pagposte ng game-high 47 puntos para sa Hawks.

Dalawang iba pang rookies sina--Rhandelle Colina at Edwin Paterno ang nagpasiklab rin sa pa­nalo ng Hawks.

Tumapos si Colina, isang 5’10 guard, ng 24 puntos, habang nagsu­mite naman si Paterno ng 12 puntos para sa UM na tumapos na runner-up sa San Sebastian College no­ong nakaraang taon sa torneong ito na inorganisa ni NAASCU president Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College.

Gumawa naman si Dhon Ronquillo ng 21 puntos upang balikatin ang Sharks, nag-ambag sina Jommel Bilog ng 13, Billy Ray Labadan ng 12 at JR Buenaflor ng 13, 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa isa pang laro, niyanig ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasay ang New Era University, 79-74 at hiniya ng Centro Escolar University ang University of Makati, 97-78.

UM 104--Torres 47, Colina 24, Pateno 13, Manuel 6, Ancheta 4, Ibay 4, Viernes 4, Patricio 2, Sanguyo 0, Tan 0.

Lyceum 82--Ronquillo 21, Bilog 13, Labadan 12, Buenaflor 10, Velasco 8, Johnson 5, Manalili 5, Torres 4, Javier 2, Rosales 2.

Quarterscores: 22–16, 51–37, 72–63, 104–82.

vuukle comment

BILLY RAY LABADAN

BUENAFLOR

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COLINA

DHON RONQUILLO

DR. JAY ADALEM

EDWIN PATERNO

EUGENE TORRES

JOJO CAS

JOMMEL BILOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with