^

PSN Palaro

Ikalawang silya sa semis, uupuan ng Ateneo vs UE

- Ni Angeline Tan -

Iinit pa ang tagisan para sa puwestuhan patungo sa Final Four sa pagsabak sa aksyon ng tatlong koponan nasa kontensyon sa 73rd UAAP men’s basketball ngayon sa Araneta Coliseum.

Mangunguna ang nag­dedepensang Ateneo na ka­kaharapin ang pilit na bu­mabangon na UE dakong alas-4 at nakataya sa Eagles ang ikalawang puwesto sa Final Four.

May 8-2 karta sa nga­yon ang Eagles at kung ma­nanalo sila sa Warriors ay masasamahan na nila ang nangungunang FEU sa semifinals.

Bago ito ay pilit namang babangon ang Adamson mula sa mapait na kabi­gu­an sa huling laro sa pagbangga sa kulelat na UP sa alas-2 ng hapon.

Kailangan ng Falcons na maibalik ang dating por­ma upang manatiling palaban sa hangaring unang dalawang puwesto sa Final Four.

Natalo ang tropa ni coach Leo Austria sa kamay ng UE sa huling laro, 63-71, upang malaglag sa ikatlong puwesto sa team standings sa 7-3 karta.

May anim na sunod na panalo ang tropa ni coach Norman Black at tampok na panalo ay kinuha sa ka­ribal na La Salle noong Linggo, 74-57.

Si Kirk Long na ga­ling sa pagtala ng career high na 22 puntos, ay ma­kakasama nina Erik Salamat, Ryan Buenafe, Mico Salva at Eman Monfort upang maduplika ang 80-73 panalo sa unang pagtutuos.

 Mawalis ang nalalabing apat na laro ang misyon ng Warriors upang magkaroon pa ng tsansang makahabol sa puwesto sa susunod na yugto.

ARANETA COLISEUM

EMAN MONFORT

ERIK SALAMAT

FINAL FOUR

LA SALLE

LEO AUSTRIA

MICO SALVA

NORMAN BLACK

RYAN BUENAFE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with