MANILA, Philippines - Habang patuloy ang ratsada ng mga Heavy Bombers, bumangon naman ang Cardinals mula sa isang 16-point deficit para solohin ang ikaapat na posisyon.
Tinakasan ng Mapua Institute of Technology ang Letran College, 63-60, sa second round ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Sinandigan ng Cardinals si Erwin Cornejo at Mark Acosta sa fourth quarter para talunin ang Knights.
May 6-4 rekord ngayon ang Mapua sa ilalim ng San Beda College (9-0), nagdedepensang San Sebastian College-recoletos (8-1) at Jose Rizal University (8-2) kasunod ang Arellano University (4-5), Letran (3-7), College of St. Benilde (2-7), Emilio Aguinaldo College (2-8) at University of Perpetual (0-9).
Humugot si Cornejo ng 11 sa kanyang game-high 18 points sa final canto para sa pagbangon ng Cardinals, habang umiskor naman si Acosta ng pito sa kanyang 11 marka.
Si Acosta ang nagsalpak ng isang mahalagang three-point shot at dalawang freethrows sa huling 15.4 segundo.
Sa unang laro, tinalo naman ng Heavy Bombers ang Altas, 66-55, para sa kanilang pang apat na dikit na ratsada.
Tumipa si Matute, kumabig ng career best 22 points sa kanilang 76-60 panalo sa Letran noong Biyernes, ng 15 points mula sa three-point range para sa Jose Rizal ni Vergel Meneses.
Jose Rizal 66- Matute 15, Kabigting 12, Almario 10, Montemayor 10, Etame 7, Apinan 7, J. Lopez 3, Hayes 2, Duncil 0, Badua 0.
Perpetual Help 55- Vidal 14, Allen 14, Ynion 8, Arboleda 7, Alano 7, Jolangcob 3, Asuncion 2, Kintanar 0, Elopre 0