^

PSN Palaro

Protesta ng UP Maroons laban sa NU Bulldogs, ibinasura

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ibinasura ni UAAP commissioner Ato Badolato ang protestang inihain ng UP sa nalasap na 59-61 kabi­guan sa kamay ng National University nitong Linggo sa Araneta Coliseum.

Nagdesisyon si Badolato na huwag pakinggan ang protesta matapos niyang ideklara na judgement call ang nangyari nang hayaan ng mga referees ang isa pang tangkang lane violation ng Maroons sa ikalawang free throw ni Jewel Ponferrada upang awtomatikong ma­basura ito.

Dahil sa kawalan ng tawag, hindi nakagawa ng disen­teng play ang Maroons sa huling dalawang segundo upang lasapin ang ikasiyam na sunod na pagkabigo.

Hindi naman nagpabaya si Badolato sa masamang pito nina referees Ariel Bermeo at Glen Cornello nang pa­tawan ito ng dalawang game suspension habang isang laro naman na mauupo uli si Alvin Padilla nang pagsisigawan niya ang mga referees matapos ang laro.

ALVIN PADILLA

ARANETA COLISEUM

ARIEL BERMEO

ATO BADOLATO

BADOLATO

DAHIL

GLEN CORNELLO

IBINASURA

JEWEL PONFERRADA

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with