MANILA, Philippines - Binigo ng kampeong Lyceum of the Philippines University ang Feati University, 25-20, 22-25, 22-25, 25-21, 15-10, para angkinin ang unang finals ticket para sa 2nd Inter-Scholastic Athletic Association men’s volleyball tournament sa LPU Gym.
Winalis ng Lyceum ang five-game elimination round upang awtomatikong makapasok sa kanilang ikalawang sunod na finals appearance sa torneo.
Makaraang kunin ang first set, isinuko naman ng Lyceum ang second at third frame sa Feati, may 3-2 baraha ngayon at sasagupa sa isang playoff game.
Bumangon ang Lyceum nang dominahin ang fourth at deciding fifth set patungo sa kanilang tagumpay.
Makakatapat ng Feati ang La Consolacion-Manila (LCCM) sa isang ‘sudden death’ para sa karapatang makatagpo ang Philippine Women’s University, may 4-1 marka, na nagdadala ng ‘twice-to-beat’ edge.
Sa iba pang mga laro, winakasan ng Manila Doctors College ang torneo bitbit ang 1-4 baraha nang gitlain ang Manila Adventist Medical Center and College, 26-24, 14-25, 27-25, 24-26, 15-8.
Ang Feati ang punung-abala sa pamumuno nina Atty.Jose Yayen (president) ng La Consolacion College, Melanie Tolentino (vice president) ng Feati at MDC Student Affairs assistant director Ruel dela Rosa (treasurer).