^

PSN Palaro

Yap-Galent tandem naman

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Sa nakaraan nating pitak ay nasabi nating nagwakas na ang six-year partnership nina coach Paul Ryan Gregorio at James Yap sa Purefoods/B-Meg Derby Ace. Ito’y matapos na lumipat si Gregorio sa Meralco at pumirma ng five-year contract.

Sa pagtanggap ng Most Valuable Player award noong nakaraang linggo ay pinasalamatan ni Yap si Gregorio. Sinabi niya na ang pagtitiwala ni Gregorio sa kanya ay nakatulong ng malaki sa pagwawagi niya ng MVP award, hindi lang minsan kundi dalawang beses pa.

Sa susunod na season, ang B-Meg Derby Ace ay hahawakan ng panibagong coach at iyon ay walang iba kundi si Jorge Galent, isa sa mga assistant coaches ni Gregorio.

Si Galent ay nanatili sa poder ng B-Meg Derby Ace matapos na bitbitin din ni Gregorio si Ronnie Magsanoc sa Meralco. Bukod kay Galent, ang iba pa’ng assistant coaches ni Gregorio ay sina Koy Banal, Dayong Mendoza at Rey Evangelista.

Sina Galent at Banal ang pinagpilian ng B-Meg Derby Ace management. Kapwa multi-titled ang dalawang ito. Si Banal ay nagkampeon bilang coach ng Magnolia sa Philippine Basketball League, Far Eastern University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at San Beda Red Lions sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Si Galent naman ang arkitekto ng Harbour Centre dynasty sa PBL kung saan nagwagi ang Batang Pier ng pitong kampeonato. Kahit sino kina Banal at Galent ay deserving na humalili kay Gregorio.

Sa Setyembre pa magsisimula ang ensayo ng B-Meg Derby Ace bilang paghahanda sa susunod na season. Hihintayin nilang bumalik buhat sa Estados Unidos si Yap.

Lingid marahil sa karamihan ang pangyayaring hindi ito ang unang pagkakataong magiging head coach ni Yap si Galent.

Katunayan, si Galent ang kauna-unahang head coach ni Yap dito sa Maynila matapos na lumuwas siya galing sa prubinsya.

Si Yap at ang kakampi niyang si Paul Artadi ay nagkasama sa Absolute Water squad sa Junior PBL tournament at si Galent ang kanilang coach. Ang koponang ito ay lumahok din sa ilang international youth tournaments. Matapos iyon ay napunta na sina Yap at Artadi sa University of the East na hawak noon ni coach David Zamar.

“Coach ko si Galent noon. Isa siya sa nakatulong sa development ko bilang player kaya pinasasalamatan ko rin siya,” ani Yap na natuwa nang malamang si Galent ang humalili kay Gregorio.

So, mukhang magi­ging maganda naman ang relationship nina Yap at Galent sa B-Meg Derby Ace. At dahil dito’y mapapanatili ng koponan ang competitive edge sa mga darating na torneo.

* * *

 HAPPY birthday kay Nestor “Jojo” Racelis ng NBN Channel 4 na nagdiriwang ngayon, Agosto 21. Belated greetings naman kay Sienna Olaso na nagdiwang kahapon, Agosto 20.

vuukle comment

ABSOLUTE WATER

AGOSTO

B-MEG DERBY ACE

BATANG PIER

COACH

DAVID ZAMAR

GALENT

GREGORIO

SI GALENT

YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with