^

PSN Palaro

Smart MVP Best of The Best sisipa na

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Ang pinakamalaking pagtitipon ng pi­nakamagagaling na taekwondo jins ay gaganapin ngayong araw sa pagbubukas ng 2010 Smart MVP Best of the Best Taekwondo Championships sa Music Hall ng San Miguel By The Bay sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Humigit kumulang 500 manlalaro mula sa 12 rehiyon ng bansa, kabilang ang mga kasapi ng Philippine team at mga gold medalists sa mga national events ang lalahok sa isang araw na torneo na inorganisa ng Philippine Taekwondo Association (PTA) at sinusuportahan ng Smart Communications at PDLT.

Magsisilbing guest of honor si PLDT Chairman Manuel V. Pangilinan habang ang inspirational message naman ay ihahatid ni Philippine Olympic Commission president Jose S. Cojuangco Jr.

Kabilang din sa mga pangunahing bi­sita sina Philipine Sports Commission Chairman Ritchie Garcia at PLDT President Napoleon Nazareno.

Lalahok sa naturang torneo sina two-time Olympians Antoinette Rivero at Tshomlee Go at Asian Taekwondo Championship silver medalist Japoy Lizardo ka­sama ang iba pang taekwondo jins mula sa Luzon, Visayas, Mindanao, UAAP, NCAA, AFP-PNP Olympics at PTA Metro Manila.

Ang miyembro ng three-man team na nagwagi ng gold medal sa World Poomsae Championship noong nakaraang taon na si Rani Ann Ortega ang magsisilbing emcee ng programa.

Inaasahan naman ni organizing committee chairman Danilo Mojica ang mainit na aksyon sa grade school, juniors at seniors competition.

 “It’s definitely a big thrill, especially for sports fans and martial arts enthusiasts, seeing the best of the best in local taekwondo going up against each other,” saad ni Mojica.

ASIAN TAEKWONDO CHAMPIONSHIP

BEST OF THE BEST TAEKWONDO CHAMPIONSHIPS

CHAIRMAN MANUEL V

COJUANGCO JR.

DANILO MOJICA

JAPOY LIZARDO

JOSE S

MALL OF ASIA

METRO MANILA

MUSIC HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with