Lacuna, RP cagers bigo sa YOG

SINGAPORE--Sa kabi­guan ni Pinoy tanker Jessie Lacuna na umarangkada sa finals ng 200-meter butterfly ka­hapon, tuluyan na ring lumabo na ang tsansa ng dele­gasyon ng Pilipinas sa 20­10 Youth Olympics na ginaganap sa Sports School dito.

Nagkasya lamang ang 16-year-old na tubong Bulacan sa ikalimang puwes­to sa ikalawang bahagi ng three-heat swimming competition sa kanyang da­­lawang minuto at 6.38 segundo upang tumapos ng 15th over all.

Noong Huwebes ay lumahok si Lacuna sa 100 meter free ngunit tumapos lamang sa pang-19th na puwesto sa kompetisyong nilahukan ng 54 na swimmer.

Tinapos naman ni Jas­mine Alkhaldi ang kan­­yang kampanya sa pagpuwesto sa 17th place sa 50 meters free sa oras na 27.10 seconds.

Kagaya nila Lacuna at Alkhaldi, nabigo rin sina taekwondo jin Kirk Barbosa, netter Jeson Patrombon at weightlifter Patricia Llena sa kani-kanilang kampanya sa kauna-unahang edisyon ng Youth Olympics.

Ang pambato naman ng Pilipinas sa 3-on-3 basketball na sina Bobby Ray Parks Jr., Jeron Teng, Cris Tolomia at Michael Pate ay nalaglag na rin matapos magtala lamang ng isang tagumpay laban sa South Africa at nabigo sa US Virgin Ilands, Spain at Croatia.

Ngunit may pagkaka­taon pa ang RP cagers na magbigay karangalan sa bansa sakaling magta­tagumpay sila laban sa mas matatangkad na man­lalaro mula sa Central African Federation.

Kung mananalo sila dito ay kakaharapin nila ang mananalo sa pagitan ng Iran at New Zealand para sa tsansa na tumapos sa ika-siyam na puwesto sa susunod na round.

Kabilang sa consolation bracket ang ibang top teams kagaya ng Egypt, Puerto Rico, Virgin Islands at Turkey.

Show comments