^

PSN Palaro

Heavy Bombers, Chiefs nanorpresa

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Dalawang manlalaro na hindi kuminang sa unang ikutan ang nagpasikat upang igiya ang Jose Ri­zal University at Arellano University sa tagumpay sa pagbubukas ng ikalawang ikutan ng eliminasyon sa 86th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan.

Si Nate Matute na nag­hahatid lamang ng 4.8 pun­tos ay naghatid ng 22 puntos, walo ay ginawa sa second period upang tulu­ngan ang Heavy Bombers na iwanan na ang Letran Knights tungo sa 76-60 tagumpay.

Si Alex  Almario ay mayroong 13 puntos habang si Marvin Hayes na sumali muna sa PBA Rookie Draft ay naghatid pa ng 12 puntos, 5 rebounds at 7 assists para tulungan ang Bombers na kunin ang ikapitong panalo sa siyam na laro at makadikit sa kalahating agwat sa pumapangalawang San Sebastian (7-1).

“Makikita na ang pagtaas ng level ng paglalaro ng team. Magandang simula ito at sana ay magpatuloy ito hanggang matapos ang second round,” wika ni JRU coach Vergel Meneses.

Si Jaypee Belencion ay mayroong 14 puntos para sa Knights na ininda ang pagkakaroon lamang ng 10 puntos sa second period upang maiwanan sa 42-23 sa halftime para malaglag ang koponan ni coach Louie Alas sa 3-6 karta.

Isinelebra naman ni Ron­nel del Rosario ang kanyang ika-23 kaarawan kahapon sa pamamagitan ng paghahatid ng 21 puntos gamit ang 10 of 12 shooting para itulak ang Arellano University sa 76-72 panalo laban sa Mapua Cardinals sa unang sagupaan.

Si Adrian Celada ay nagdagdag pa ng 17 puntos, 5 rebounds, at tig-3 assists at steals habang may 11 puntos ang rookie na si Rocky Acidre.

Si Gerald Lapus na si­yang pinarangalan ng NCAA Press Corps bi­lang kanilang Player of the Week ay nagtapos taglay ang all-around game na 8 puntos, 9 rebounds at 5 steals upang ang Chiefs ay umangat sa 4-5 karta o isang larong napag-iiwanan lamang ng Cardinals na nasa ikaapat na puwesto sa 5-4 baraha.

AU 76--Del Rosario 21, Celada 17, Acidre 11, Lapuz 8, Tayongtong 8, Ciriacruz 4, Palma 3, Casiño 2, Zu­lueta 2.

MIT 72--Cornejo 29, Guillermo 9, Mangahas 8, Pascual 8, Ighalo 7, Sarangay 7, Parala 2, Stevens 2.

Quarterscores: 13-10; 39-31; 59-51; 76-72.

JRU 76--Matute 22, Almario 13, Hayes 12, Lopez 8, Bulangis 6, Kabigting 6, Apinan 4, Njei 3, Montemayor 2, Badua 0, Etame 0.

Letran (60) – Belencion 14, Cortes 11, Alas K. 10, Espiritu 8, Taplah 5, Alas J. 4, Belorio 4, Dysam 3, Pantin 1, Almazan 0, Ang 0, Rodil 0.

Quarterscores: 17-13; 42-23; 56-43; 76-60.

ALAS J

ALAS K

ALMARIO

ARELLANO UNIVERSITY

DEL ROSARIO

HEAVY BOMBERS

JOSE RI

LETRAN KNIGHTS

PUNTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with