Ateneo, La Salle umiskor

MANILA, Philippines - Pinagtibay ng nagdedepensang Ateneo De Manila University at karibal na De La Salle University ang mga posisyon sa unang apat na koponan nang kanilang kalusin ang mga nakalaban sa 73rd UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Naipamalas ng Blue Eagles ang pinakamatinding depensa sa taong ito nang malimitahan sa pinakamababang output ang National University sa ikinasang 69-49 panalo.

“That’s really our calling card. We really want to play good defense each game, and today we played with better individual defense and did not resort too much on zone,” ani coach Norman Black sa Ateneo, may 7-2 baraha.

Si Ryan Buenafe ay nagtala ng 14 puntos buhat sa 7-of-11 shooting para sa Blue Eagles. Mayroon rin siyang 5 assists, 3 rebounds, 2 blocks at 1 assist.

Ang Green Archers naman ay nakitaan ng magandang team work upang maiuwi ang 84-63 panalo laban sa University of the Philippines sa unang laro.

Naglista ng 14 puntos, 8 rebounds, 2 steals at 3 assists si Maui Villanueva para pamunuan ang La Salle sa pagposte ng 6-3 karta.

May career- game rin si sophomore player Gabriel Banal na gumawa ng 11 puntos upang saluhin ang trabaho ni Joseph Samuel Marata na may trangkaso.

“Ang maganda sa team ngayon ay lahat tumutulong na. Si Gabriel ay maganda ang inilaro at kahit si Ferdinand ay nagiging agresibo uli,” wika ni La Salle coach Dindo Pumaren.

May 0-9 rekord ngayon ang Fighting Maroons.

Ateneo 69 - Buenafe 14, Chua 10, Monfort 9, Salva 7, Dela Cruz 6, Salamat 6, Long 6, Golla 4, De Chavez 4, Tiongson 3, Escueta 0, Erram 0, Balmaceda 0, Gonzaga 0, Austria 0.

NU 49 – Mbe 13, Ponferrada 12, Hermosisima 7, Terso 6, Baloran 3, Ludovice 2, Javillonar 2, Ignacio 2, Eriobu 2, Tungcul 0, Singh 0, Malanday 0, Magat 0.

Quarterscores: 20-13, 42-25, 53-36, 69-49.

Show comments