RP Youth 5 bigo sa Croatia

SINGAPORE - Nakalasap na naman ng kabiguan ang national three-on-three basketball team nang ma­talo sa Croatia, 19-22, na nag-iwan kina swimmers Jessie Lacuna at Jasmine Alkhaldi sa pagdadala ng kampanya ng bansa sa 2010 Youth Olympic Ga­mes.

Ito ang ikatlong sunod na pagkatalo ng tropa nina Bobby Ray Parks, Jr., Jeron Teng, Cris Michael Tolomia at Michael Pate makaraang yumukod sa US Virgin Islands at Qatar.

Manonood na lamang ang naturang koponan sa sidelines matapos masibak sina weightlifter Patricia Llena, taekwondo jin Kirk Barbosa at netter Jeson Patrombon.

Tumapos lamang si Llena sa fifth place sa 63-kilogram division ng weightlifting sa Toa Payoh Sports Hall.

Show comments