^

PSN Palaro

Hawks, Phoenix bumangon sa kabiguan

-

MANILA, Philippines - Pinayukod ng University of Manila ang dating kam­peon na STI, 75-65 bago winalis naman ng Our Lady of Fatima U ang Lyceum-Subic Bay, 80-59 kahapon upang makasalo sa liderato sa pagbabalik aksyon ng 10th NAASCU men’s basketball competition sa UM Gym.

Bumangon ang Jojo Castillo-coached Hawks at ang Rensy Bajar-mentored Phoenix mula sa kabiguang nalasap mula sa mga kamay ng New Era U, 102-109, sa double overtime at STI, 73-74, ayon sa pagkakasunod nitong nakaraang linggo upang patuloy na palakasain ang kani-kanilang kampanya sa ligang ito na inorganisa ni NAASCU president Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College (Caloocan).

Tumapos si rookie Rhandelle Colina ng 16 pun­tos, habang naglista na­man sina Jeff Alvin Vier­nes, JR Tan, Jayson Ibay at Jay-Ar Manuel ng 13, 13, 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod at pagan­dahin ang kanilang kartada sa 5-1 (win-loss) slate.

Binalikat ni Romy Jo­ronacion ang Valenzuela-based school’s sa kanyang tinapos na 21 puntos, habang nagposte sina James Jacinto aty Anthony Benavidez ng 126 at 12 puntos.

Sa iba pang laro, pinayukod ng Centro Escolar ang New Era U, 99-87 at pinulbos naman ng In­formatics International Colle­ges ang University of Makati, 117-72.

Nagpasabog si Axl Garcia ng 31 puntos nang kanyang trangkuhan ang Scorpions sa ikaapat na panalo matapos ang dalawang kabiguan.

ANTHONY BENAVIDEZ

AXL GARCIA

CENTRO ESCOLAR

DR. JAY ADALEM

INTERNATIONAL COLLE

JAMES JACINTO

JAY-AR MANUEL

JAYSON IBAY

NEW ERA U

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with