RP Youth 5 nasilat sa Spain

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay nabigo ang Pilipinas sa 3-on-3 bas­ketball sa 1st Youth Olym­pic Games sa Singa­pore.

Mas masakit na 29-27 pagkatalo ang nalasap ng koponang hawak ni Ramon Cruz sa mas malalaking Spain upang malaglag sa 0-2 karta ang pambansang koponan sa larong ginanap sa Scape Youth Space.

Nakalamang pa sa 21-20, hindi natugunan ng Pilipinas ang malakas na pagtatapos ng Spain upang malagay sa must win games kontra sa Croatia at South Africa para magkaroon pa ng tsansang makaabante sa quarterfinals.

Hinati sa apat na grupo ang mga kalahok at ang mangungunang dalawang koponan bawat grupo ang uusad sa quarterfinals.

May 15 puntos si Bobby Ray Parks sa 6 of 10 shoo­ting habang si Jeron Teng ay mayroong 10 sa 4 of 8 buslo.

Pero naisablay ni Teng ang panablang tira ilang se­gundo sa labanan at ang bola ay nakuha ng Spain na inubos ang oras.

Hindi naman nakatulong sina Chris Tolomia at Michael Pate na nagsanib sa 0-of-9 shooting.

Ang kabiguan ay nagpatuloy sa kamalasang ina­abot ng koponan ng ma­bigo si Jessie King Lacuna na itaas pa ang pangpitong puwesto na nakuha nito sa heats sa paboritong 200m freestyle.

Mas mabagal pa ang naisumiteng tiyempo ni Lacuna sa finals sa 1:51.95, kumpara sa 1:51.52 sa heats upang tumapos sa ikawalo at huling puwesto.

Si weighlifter at Flag bea­rer Patricia Llena ay su­malang sa kompetisyon kagabi ngunit ang inaasa­hang medalya ay hindi tiyak lalo nga’t mabibigat ang kanyang mga makakala­ban.

Show comments