Abanilla di pa tiyak kung muling uupo sa Game 6; Cone kumpiyansa namang mananalo ang Aces

MANILA, Philippines - Bagamat naigiya niya ang mga Beermen sa krusyal na panalo sa Game Five noong Linggo, wala pa ring katiyakan kung si assistant coach Gee Abanilla muli ang gagabay sa San Miguel sa Game Six bukas sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference Finals sa Araneta Coliseum.

“Hindi ko pa masabi kasi management decision na ‘yan eh,” ani Abanilla, pansamantalang ipinalit ng SMC franchise kay head coach Siot Tanquingcen sa Game Five na nagresulta sa dramatikong 96-94 pagtakas ng nagdedepensang San Miguel sa Alaska.

Ang naturang tagumpay ang naglapit sa Beermen sa 2-3 sa kanilang best-of-seven championship series ng Aces ni Tim Cone na pumigil sa inaasam na pang 13th PBA crown ng Uytengsu franchise.

“We came out hustling, we were aggressive and somehow dictated the tempo,” sabi ni Abanilla. “This series is about tempo. Alaska was successful dictating their tempo. We want a fast-paced one.”

Mula sa 39-50 pagkakabaon sa halftime, naidikit ng Aces ang laro sa 52-53 sa 6:59 ng third period at 84-86 sa huling 1:20 ng final canto.

“We took their best punch and we recovered,” sabi ni Cone sa naturang pag-iwan sa kanila ng San Miguel. “Our guys didn’t quit and that’s good. That adds to our character, we won’t easily give up the series.”

Ito ang ikalawang kabi­guan ng Alaska sa San Miguel sa kanilang titular showdown matapos isuko ang 80-96 kabiguan sa Game Three noong nakaraang Miyerkules.

“We didn’t

“Our team is a confident bunch right now. We’ve grown from these playoffs. We believe we can finish it off on Wednesday,” ani Cone.

Samantala, posible namang panatilihin ng SMC ang pangalan ng Purefoods (Derby Ace) sa PBA.

Ito ay bunga ng pagdadalawang isip ng SMC sa pagbebenta ng Purefoods sa Del Monte Pacific Ltd. ni Butch Campos at sa Centruy Pacific Group of Companies ni Ricardo Po.

Show comments