^

PSN Palaro

Lady Bulldogs humabol sa quarters

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Mula sa 0-2 pagkakalugmok sa unang dala­wang sets, bumangon ang National University sa huling tatlong sets upang sikwatin ang huling upuan para sa quarterfinals.

Nilaglag ng Lady Bulldogs ang Perpetual Help, 12-25, 14-25, 25-23, 25-18 at 15-13 upang mapabilang sa anim na koponan na makakasama sa susunod na bahagi ng ikalawang con­ference ng Shakey’s V-Leauge Season 7 kaha­pon sa The Arena sa San Juan.

Pinagbidahan ni mainstay Mervic Mangui ang impresibong pagbabalik ng Sampaloc-based spikers sa kanyang kinamadang 28 points habang nag-ambag ng 15 si Maricar Nepomuceno at may sampu si guest player Din Din Santiago.

Nanguna naman para sa mga taga-Las Piñas si Sandra Delos Santos sa kanyang tinipang 18 puntos at nagdagdag naman si Ronerry Dela Cruz ng 14 at may 12 si April Sartin.

Matapos kunin ng Lady Altas ang unang dalawang sets, sumandig ang Lady Bulldogs kina Mangui, San­tiago at Nepomuceno upang makabangon sa hu­ling tatlong sets ng labanang tumagal ng isang oras at 50 minuto. 

APRIL SARTIN

DIN DIN SANTIAGO

LADY ALTAS

LADY BULLDOGS

LAS PI

MARICAR NEPOMUCENO

MERVIC MANGUI

NATIONAL UNIVERSITY

PERPETUAL HELP

RONERRY DELA CRUZ

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with