^

PSN Palaro

Nietes naidepensa ang titulo

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Maagang trinabaho ni Donnie “Ahas” Nietes si Me­xican challenger Mario Rodriguez upang maisan­tabi ang mahinang pagtatapos tungo sa matagumpay na pagdepensa sa hawak na WBO minimumweight title kahapon sa Auditorio Luis Estrada, Medina, Guasave, Sinaloa, Mexico.

Ang 28-anyos na si Nietes ay umiskor kay Rodriguez gamit ang mga malulutong na kaliwang uppercuts at hooks na naging puhunan para makuha ang pagsang-ayon ng tatlong hu­rado para sa kanyang ika­apat na matagumpay na pagdepensa sa titulo.

Si judges Levi Martinez ay nagbigay ng 119-109, si Alejandro Lopez Cid ay naggawad ng 118-110 iskor at 116-112 naman ang ibi­nigay ni Thomas Nardone lahat para kay Nietes na nakuha ang ika-27 panalo sa 31 laban.

Ito rin ang ikatlong su­nod na pagkakataon na na­nalo si Nietes sa Mexico na isa ring makasaysayan kung Philippine boxing ang pag-uusapan.

Bago si Rodriguez ay sinagupa muna ni Nie­tes sina Erik Ramirez at Ma­nuel Vargas noong Pebre­ro 28 at Setyembre 12 no­­ong nagdaang taon at nanalo sa pamamagitan ng unanimous decision at split decision, ayon sa pag­­­­kakasunod.

ALEJANDRO LOPEZ CID

AUDITORIO LUIS ESTRADA

DONNIE

ERIK RAMIREZ

GUASAVE

LEVI MARTINEZ

MARIO RODRIGUEZ

NIETES

SHY

THOMAS NARDONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with