^

PSN Palaro

Nietes tiwala na mananalo uli

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunod na pagkakataon ay magdedepensa si Donnie Nietes ng kanyang WBO minimumweight title sa Mexico.

Pero tulad sa mga nagdaang laban, naniniwala ang 28-anyos na mangingibabaw uli siya laban kay Mario Rodriguez sa labang itinakda sa Auditorio Luis Estrada Medina, Guasave, Sinaloa, Mexico ngayon.        

“Hindi ako kinakabahan na lumaban sa Mexico dahil madalas na akong lumalaban dito,’ wika ng may kum­piyansang si Nietes na mayroong 26 panalo, 1 talo sa 30 laban kasama ang 15 KO.

Malayung-malayo ang karta ng 21-anyos na si Rod­­­riguez dahil may 10 panalo lamang ito sa 18 laban at 7 KO.

Ang masasabing pinakamatinding laban ni Rodriguez ay kontra kay Ivan Meneses na minsan ng napalaban sa WBA world minimumweight title kay Roman Gonzales na natulog sa ikaapat na round.

Tumabla si Rodriguez kay Meneses sa 10 round na sagupaan.         

Isinagawa ang weigh-in kahapon at tumimbang si Nietes sa eksaktong 105 pounds habang si Rodriguez ay may 103.2 pounds.

Nakuha ni Nietes ang titulo ng talunin si Pornsawan Porpramook sa Waterfront Hotel sa Cebu City bago niya matagumpay na naidepensa ang titulo laban kina Eddy Castro, Erik Ramirez at Manuel Vargas, ang huling dalawa ay idinaos sa Mexico.

Tatayong third man sa ring ay si Raul Caiz Sr. habang ang mga scoring judges ay sina Levi Martinez, Alejandro Lopez Cid at Thomas Nardone.

Ang labang ito ay maipapalabas din sa GMA Network mula alas-3 ng hapon.

vuukle comment

ALEJANDRO LOPEZ CID

AUDITORIO LUIS ESTRADA MEDINA

CEBU CITY

DONNIE NIETES

EDDY CASTRO

ERIK RAMIREZ

IVAN MENESES

LEVI MARTINEZ

NIETES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with