6th win asam ng junior Altas vs Greenies
MANILA, Philippines - Tatangkain ng University of Perpetual Help (Las Piñas Campus) Junior Altas ang ika-anim na panalo kontra CSB Greenies bukas sa pagpapatuloy ng 86th National Collegiate Athletic Association (NCAA) Juniors Basketball Tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Taglay ng Junior Altas 5-2 win-loss slate, hangad nilang maokupahan ang ikalawang puwesto sa likod ng Red Cubs (6-1) sa kanilang pakikipagtunggali sa Junior Blazers sa alas-12 ng tanghaling laro. Nais din ng Las Piñas-based squad na iminamando ni head coach Tonichi Pujante na maduplika ang kanilang naunang panalo laban sa EAC Brigaders, 70-59 nitong Aug. 6.
Ibabandera ni coach Pujante sina hotshot at 18-Under RP standout Gelo Alolino, AA Iñigo, Joel Brito, Flash Sadiwa at Topher Negranza, para sa minimithing makapasok sa Final Four, na magiging kauna-unahang nilang pagpasok simula ng sumali sa liga noong 1985.
Ang Dr./Col. Antonio Tamayo owned University ay sasandig din kina sixman Jonh Palisoc, Joville Garcia, Christian Pascual at Mark Bitoy.
- Latest
- Trending