^

PSN Palaro

Mahalagang leksyon

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Malaki ang epekto ng 64-63 panalong itinala ng Adamson Falcons kontra sa Far Eastern University Tamaraws noong Huwebes sa 73rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament.

Kasi, sigurado na ngayong magkakaroon ng Final Four phase ang torneo kung saan sa pagtatapos ng double round eliminations ay maghaharap ang No.1 at No. 4 at magtutunggali ang No. 2 at No. 3. May twice-to-beat advantage ang No. 1 at No. 2.

Kasi nga, kung nagpatuloy sa pananalasa ang FEU Tamaraws at nakakumpleto sila ng 14-0 sweep ng elims diretso na sila sa championship round. Magkakaroon ng stepladder na proseso na katatampukan ng No. 2, No. 3 at No. 4 upang madetermina kung sino ang makakatagpo ng Tamaraws sa best-of-three Finals.

Nagbida para sa Falcons si Eric Camson na nag-follow up sa mintis ni Alex Nuyles sa huling dalawang segundo ng laro upang maitala ng Adamson ang ikaanim na panalo sa walong games.

Statement win din iyon para sa Falcons. Sabi nga ni coach Leovino Austria, bago daw nagsimula ang laro’y marami ang tumutuligsa sa kanila bilang isang koponang kumukulapso sa dulo.

“This proves that we can be steady in the endgame,” ani Austria na siyang tanging coach na nakapaghatid sa Falcons sa Final Four.

Ngayon, dahil sa panalo kontra sa Tamaraws, hindi lang marahil Final Four ang tinatarget ni Austria at ng Falcons. Nakatuon na marahil ang kanilang pansin sa isang championship appearance na matagal-tagal na rin namang hindi nangyayari.

Pero alam ni Austria na ibayong trabaho ang kai­langan nilang gawin. Kasi nga, hindi lang naman ang Tamaraws ang siyang delikadong kalaban. Nagsisimula pa lang ang second round at lahat ng teams, kasama na ang nangungulelat na University of the Philippines Fighting Maroons ay may tsansa pa’ng makarating sa Final Four.

Subalit hindi maitatatwang nagpapasalamat sa Adamson ang ilang teams sa pagkakasilat nila sa Ta­maraws. Kasi nga, medyo nabawasan ang pressure at dumali kahit paano ang ruta.

Sa panig ng Tamaraws, bagamat nalulungkot silang hindi napanatiling malinis ang kanilang record, marahil ay iniisip din nilang “blessing” ang pagkatalo nila sa Falcons. At least, nangyari ito sa simula pa lang ng second round at may anim na games pa’ng natitira kung saan puwedeng gumawa ng adjustments si coach Glenn Capacio.

Ilang beses na rin namang muntik na masilat ang Tamaraws sa first round. Nahirapan sila bago na­payu­ko ang two-time defending champion Ateneo Blue Eagles, 72-69 noong Hulyo 11. Pagkatapos ay dumaan pa si­la sa overtime bago tinalo ang host Dela Salle Green Archers, 84-80 noong Hulyo 29.

Kahit paano’y parang nabunutan din ng tinik ang Tamaraws. Mahirap din kasi yung bukod sa pagtugis sa kampeonato ay may iba ka pang iniisip gaya ng pag­papanatili ng isang winning streak.

Para na ring wake-up call sa Tamaraws ang nang­yari.

Oo’t malakas sila at pre-tournament favorites. Pero puwede silang masilat kung magkukumpiyansa sila.

Iyon ang lesson na natutunan nila sa Falcons!

ADAMSON

ADAMSON FALCONS

ALEX NUYLES

ATENEO BLUE EAGLES

DELA SALLE GREEN ARCHERS

ERIC CAMSON

FALCONS

FINAL FOUR

KASI

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with