^

PSN Palaro

Tamaraws napingasan ng Falcons

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Walang magaganap na sweep sa 73rd UAAP men’s basketball.

Sa unang laro ng nagdomina sa first round na FEU ay agad silang pinadapa ng Adamson sa kabayanihan ni Eric Camson na naipasok ang tip-in upang igiya ang koponan sa 64-63 tagumpay kagabi sa Araneta Coliseum.

Eksaktong nasa ilalim si Camson nang sumablay ang coast-to-coast drive ni Alex Nuyles para ibigay ang isang puntos na kalamangan sa Falcons may 2.2 segundo. Kasunod nito ay pinagmasdan ng Falcons ang kawalan ng magandang tira mula sa backcourt ng Tamaraws tungo sa pagsel­yo sa tagumpay.

“Marami kaming nababasang kritisismo kung kaya nga bang manalo ng team sa dikitang laban. Naipakita marahil namin na kaya namin sa panalong ito,” wika ni Adamson coach Leo Austria.

Itinuring man na may halong suwerte ang panalo, hindi naman niya isinantabi ang paghihirap ng kanyang bataan nang sila’y umahon buhat sa 46-57 pagkakalu­bog ilang segundo bago natapos ang ikat­long yugto.

Si Jarus Lozada ay nagpakawala ng anim sa kabuuang walong puntos kasa­ma ang isang tres na nagbigay ng 59-58 kalamangan sa koponan.

Pero ang kanyang malaking iniambag ay ang depensa kay RR Garcia na nalimitahan lamang sa 3 puntos sa huling 10 minuto ng sagupaan.

Ngunit muntik pa ring magbida si Garcia nang mailusot ang magandang pasa kay Ramos para itulak ang Tamaraws sa 63-62 bentahe may 6.8 segundo.

Ang panalo ay nagbangon sa koponan buhat sa 65-74 kabiguan sa FEU at nadugtungan sa tatlong sunod ang pag­papanalo para sa kabuuang 6-2 baraha.

May tig-14 puntos sina Camson at Nuy­les para pamunuan ang Adamson.

Nanatiling buhay naman ang hanga­rin ng UE na makahabol pa sa Final Four sa kinuhang 75-65 panalo sa UST sa unang laro.

UE 75 - Martinez 20, Lee 16, Acibar 14, Casajeros 7, Noble 6, Reyes 5, Razon 3, Rosopa 2, Tagarda 2, Hernandez 0.

UST 65 - Fortuna 14, Afuang 13, Teng 10, Bautista 9, Mariano 7, Camus 6, Pe 4, Marata 2, Wong 0, Tinte 0, Mamaril 0.

Quarterscores: 13-12, 32-30, 56-42, 75-65.

Adamson 64 – Nuyles 14, Camson 14, Canada 9, Lozada 8, Cabrera 7, Manyara 4, Colina 4, Stinnett 2, Alvarez 2, Galinato 0

FEU 63 – Garcia 16, Sanga 9, Ramos 9, Cervantes 8, Bringas 6, Romeo 4, Cruz 4, Cawaling 4, Exciminiano 3, Mendoza 0, Knuttel 0

Quarterscores 14-20, 33-36, 49-57, 64-63.

vuukle comment

ADAMSON

ALEX NUYLES

ARANETA COLISEUM

CAMSON

ERIC CAMSON

FINAL FOUR

GARCIA

LEO AUSTRIA

QUARTERSCORES

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with