PACE-Tuguegarao Open Chess Festival

MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng Philip­pine Academy for Chess Excellence ang hanga­ring makatuklas ng mga ma­huhusay na manlalaro sa ahedras sa pagdaraos ng PACE--Tuguegarao Open Chess Festival mula Oktu­bre 9 at 10 sa Provincial Capitol of Cagayan, Tugueg­arao City.

Sa pangunguna ng PACE founder GM Jason Gonzales, makakatuwang nila ang mag-asawang sina Engineeer Abraham at Ma. Theresa Cuaresma na magtatapon ng halagang P100,000 upang maisulong ang iba’t-ibang lebel na kompetisyon sa Open at Kiddies Category.

“Ito ang unang pagka­kataon na lalabas ang PA­CE sa Metro Manila para tu­muklas ng mga may po­tensyal na manlalaro bukod pa sa pagpapalawig sa interes sa sports,” ani GM Gonzales sa paglulunsad sa PACE Center sa Quezon City.

Ang mag-asawang Cua­resma at si GM Euge­ne Torre ay nakasama sa paglulunsad ng kompetisyon sa Chess Festival na katatampukan rin ng chess clinics sa mga batang manlalaro bukod pa sa simultaneous chess exhibition mula kina Torre, Gonzales at IM Yves Ranola.

Ang unang dalawang rounds ay sisimulan sa Ok­tubre 9, habang ang sumunod na pitong round ay isasalang sa Oktubre 10 mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Show comments